Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cusi sinisi sa taas-singil ng kuryente

0 60

Kinondena ng Power for People Coalition ang pinakabagong taas-singil sa kuryente ng Manila Electric Company.

Ang pinakabagong power hike ay ang pang-anim na sunod-sunod na buwan ng pagmahal ng kuryente ng Meralco at magreresulta ng P21 na dagdag sa bill ngayong buwan.

Sa kwenta ng P4P, mas mahal na ang kuryenteng binabayaran ngayon ng P236.88 kesa nung Marso.

Sabi ni P4P convenor Gerry Arances, tila abala ngayon si Energy Secretary Alfonso Cusi sa pamumulitika kesa gawin ang kanyang trabaho sa Department of Energy at pastulan ang mga energy companies.

“The series of rate increases are a slap to his face and he should start acting like it, and go after these power companies,” sabi ni Arances.

Kahit pa may moratorium na sa coal, fossil fuels pa rin ang aasahan ng bansa hanggang 2040. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.