Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cusi tutukan krisis sa kuryente, huwag politika

0 223

Tigilan na umano ni Energy Secretary Alfonso Cusi ang pamumulitika sa halip tugunan nito ang problema sa power shortage.

Ito ang iginiit ni House Deputy Minority leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate matapos ang pakikipagbangayan nito sa kanyang mga kapartido sa PDP-Laban.

“Considering that 458MW (megawatt) is the deficiency of supply today versus 200MW yesterday, so this means double the brown out. Sana ang pagsolusyon dito ang inuuna ni Sec. Cusi hindi yung banggayan sa partido nila para mas tumagal pa si Duterte sa poder,” sabi ni Zarate.

Ayon kay Zarate, hindi ang pamumilitika ang dapat na tutukan ngayon ni Cusi kundi ang kasalukuyang nararanasang kakulangan ng supply ng kuryente ng bansa.

“Sana ang pagsolusyon dito ang inuuna ni Sec. Cusi hindi yung bangayan sa partido nila para mas tumagal pa si Duterte sa poder,” ayon kay Zarate.

Sinabi pa ng kongresista, na sa patuloy na pagnipis ng power supply at mga inaasahang brown outs ay dapat mayroon nang nakalatag na plano ang DOE partikular ang pagtatayo ng sariling power plants.

Muling iginiit ng solon ang pagrepaso o tuluyan nang pagbasura ng Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) upang sa gayon hindi na umano maghahari ang mga power oligarch.

Mula umano ng maisabatas ang EPIRA noong 2001 ay mahigit doble na ang presyo ng kuryente.

Sinabi naman ni Bayan Muna chairperson Neri Colmenares na ang mga generation company ang dapat na sumalo sa dagdag na gastos ng mga kustomer dahil sa kanilang kapalpakan.(Eralyn Prado/ Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.