Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Customs exec nagsinungaling sa SALN, pinasibak ng korte

0 317

Naglabas ng desisyon ang Court of Appeals na dapat sibakin ang customs official na si Miriam Casurayan dahil sa “serious dishonesty” nang magsinungaling sa isinumiteng sinumpaang Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN).

Obligado ang mga kawani ng pamahalaan na magsumite ng SALN taon-taon. Nakatutulong ito para malaman kung nagpayaman sa posisyon ang isang government official kung hindi maipapaliwanag ang biglang pagyaman kahit ang iba ay nakahanap na ng paraan para ikutan ito sa pamamagitan ng paglalagay sa pangalan ng kanilang kaanak, ng kayamanang kanilang nakorap.

Napag-alaman ng Revenue Integrity Protection Service ng DoF na bumili ng lupa si Casurayan sa San Jose del Monte, Bulacan nung 1998 ngunit hindi niya ito dinideklara sa kanyang SALN. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.