Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Customs, nagdagdag puwersa sa NAIA

0 315

Sa layong mapag-ibayo ang serbisyo ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), nagdagdag sila ng mga tauhan na aasikaso sa mga nagbabalik na mga overseas Filipino workers (OFWs).

Sa pamamagitan nito ay mapapabilis ang kanilang serbisyo lalo na sa customs clearance.

Hindi lamang umano sa mga nagbabalik na OFWs ang makikinabang sa mabilis na serbisyo kundi maging iba pang mga dumarating na mga pasahero sa mga paliparan.

Ito rin ang tugon ng bureau sa mga dumadagsang umuuwing OFWs mula nang alisin ang air travel restriction sa ibang bansa kaugnay sa COVID-19 pandemic. (Mina Aquino

Leave A Reply

Your email address will not be published.