Cyber attack sa Comelec fake news – Guanzon

Tinawag ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon na fake news ang napaulat na pag-hack umano sa server ng komisyon.
Opisyalo nang itinanggi ng Comelec na na-hack at nakompromiso ang kanilang mga data.
Sa kanyang tweet, sinabi ni Guanzon na fake news ang sinasabing na-hack ang Comelec server at sinabing dapat na bineripika muna ito.
Kinuwestiyon naman ni Comelec spokesperson ang katotohanan ng ulat dahil hindi umano malinaw ang “verification” process para makumpirma ang sinasabing hacking.

Inimbitahan rin ni Jimenez ang sumulat ng artikulo na ipaliwanag ang kanilang alegasyon.
Samantala, mag-iimbestiga ang National Privacy Commission (NPC) sa sinasabing insidente ng hacking sa Comelec server.
Pinatawag ng NPC ang mga kinatawan ng Comelec at ng pahayagan na nag-ulat ng hacking para magbigay-linaw sa insidente. (Juliet de Loza-Cudia/Eileen Mencias)