Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cyber bullying sa online class bantayan

0 265

Ilang araw bago ang pagbubukas ng klase, nanawagan si Senador Sherwin Gatchalian na paigtingin ang pagpapatupad ng anti-cyberbullying measures sa mga eskuwelahan para mapigilan ang exposure ng mga estudyante sa harassment at pagbabanta sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Inihalimbawa ni Gatchalian ang Republic Act No. 10627 o “Anti-Bullying Act of 2013,” kung saan inoobliga ang mga elementary at secondary school na gumawa ng polisiya na tutugon sa pambu-bully.

Sa latest report ng National Baseline Study on Violence Against Children, 43.8 porsiyento ng mga bata na may edad 13.17 ay nakakaranas ng cyber violence.

Isa sa tatlong kabataan ay nakakaranas ng verbal abuse sa internet o cellphone at ¼ ay sa pamamagitan ng sexual messages. Mahigit 2.5 porsiyento naman ng mga kabataan ay naipapalabas sa online ang kanilang hubad na mga larawan o seksuwal na aktibidad.

Sa pag-aaral naman ng Programme for International Student Assessment (PISA) noong 2018, sa 79 bansa, isa pinakamataas sa incident ng bullying ang Pilipinas kung saan 65 porsiyento ng mga mag-aaral sa high school ay nakakaranas na pambu-bully online. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.