Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cyberattack sa 3 website pinasisilip

0 87

Naghain ng resolusyon ang Makabayan bloc ng Kamara upang paimbestigahan ang napaulat na cyber­attack laban sa website ng Bulatlat.com, Altermidya, at Karapatan.

Ayon sa Quirium, isang Sweden-based digital fo­rensics non-profit, nagkaroon ng serye ng denial attack sa tatlong website noong Mayo 17, 18, 20 at Hunyo 2.

Ang mga HTTP GET o POST flood ay uri ng Distributed Denial of Service (DDoS) attack na ang layunin ay punuin ng request ang tina-target na server gamit ang mga bot o interconnected computer upang hindi ito magamit ng mga lehitimong user.

SM food to go Banner Ad

Sa ulat ng Quirium, natunton ang IP address na pinanggalingan ng pag-atake sa isang Sophos firewall. Ang gamit ay nakapangalan sa IP Solutions Inc. na supplier ng hardware ng mga ahensiya ng gobyerno.

“Dapat talagang may managot sa mga aksiyon at mga ginagawang ito ng mga ahensiya ng pamahalaan dahil hindi lang nito ma-undermine ang ating mga democratic processes, ina-undermine higit pa nito ang buong demokrasya ng ating bansa,” ani Bayan Muna Rep. Carlos Zarate. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.