Abante Tonite Interactive

Cynn wagi sa Sin City

By
1,494

Napagwagian ni John Cynn ang Main Event ng World Series of Poker (WSOP) na ginanap sa Las Vegas, Nevada na kilala sa tawag na Cynn City, este Sin City pala.

Tinalo ni Cynn si Tony Miles sa heads-up play na tumagal ng mahigit 10 oras at 199 hands. Ito ang pinakamatagal na heads-up play sa kasaysayan ng WSOP Main Event.

Nakuha ni Cynn ang premyong $8.8 milyon at ang prestihiyosong Main Event bracelet. Sa kabuuan ay merong 7,874 entries sa torneo na siyang pangalawang­ pinakamarami sa kasaysayan sa likod lamang ng 2006 edition nito.

Para kay Cynn, ito ang resulta ng kanyang patuloy na pagpupursige para mapagbuti pa ang kanyang poker skills matapos ang nakakahinayang na pagtatapos ng kanyang pagsali sa Main Event dalawang taon na ang nakakaraan.

Muntik na kasing makapasok sa final table ng Main Event noong 2016 si Cynn pero napatalsik siya sa ika-11 puwesto.
Ang karanasang iyon ang ginamit niyang motibasyon para mas malayo ang kanyang marating nga­yong taon.

Lahat ng nakapasok sa final table ay naging milyonaryo. Si Miles ay nakapagbulsa ng $5 milyon habang ang pumangatlong si Michael Dyer ay nakakuha ng $3.75 mil­yon.

Ang iba pang na­ging milyonaryo ay sina Nicolas Manion ($2.825 milyon), Joe Cada ($2.15 milyon), Aram Zobian ($1.8 milyon), Alex Lynskey ($1.5 milyon), Artem Metalidi ($1.25 mil­yon) at Antoine Labat ($1 milyon).

Si Cada na nagtapos na ikalima ay kampeon sa Main Event ng WSOP noong 2009. Nabigo siya na mapasama sa grupo ng mga multiple winner sa Main Event na kinabibilangan nina Johnny Moss, Doyle Brunson, Stu Ungar at Johnny Chan.