Abante Tonite Interactive

Cynthia nagkuripot sa Metro water takeover

844

Tila pinag-iisipan na ng mga Villar ang planong takeover sa problemadong concessionaire na Maynilad Water Services Inc. at Manila Water Company.

Bagama’t naunang nang itinanggi ni Senador Cynthia Villar ang mga espekulasyon na inalok ang kanilang pag-aaring Prime Water ni Pangulong Rodrigo Duterte na pangasiwaan ang operasyon ng tubig sa Metro Manila kasabay nang patuloy na pagbabatikos ng Pangulo sa umano’y pang-aabuso ng Maynilad at Manila Water sa kanilang mga customer, aminado ang senadora na mala­king halaga ang kakaila­nganin sakaling matuloy ang take over.

“‘Yung facilities nila, you cannot get that for free, so bibilhin mo ‘yung kompanya if ever. Hindi naman bidding ‘yan e. You get a franchise eh no, you have to buy the company also opera­ting here. Eh kung mahal naman ang kompanya, mahirap bilhin ‘yon kasi alter all, it’s a business. It’s the amount of investment that you put into it, ‘di ba? That’s very important,” sabi pa ng senadora sa interview.

Nagsimula ang ope­rasyon ng Prime Water bilang in-house provider sa kanilang pag-aaring Camella Homes at nakapokus sa mga probinsya hanggang sa tuluyang mapasok na sa mga bayan.

“We’ve been in this business for 40 years, we’re providing water to our subdivision and later, several years ago they realized na kung nasa community kami we might as well serve the community. So nag-joint venture sila sa mga local water sa mga bayan-bayan.