Abante Tonite Interactive

Cynthia Villar nabanas sa ebak!

417

Hindi sapat ang P2 milyong alokasyon sa pagpapagawa ng mga sanitary toilet sa ilalim ng Environmental and Occupational Health ng Department of Health (DOH) para matugunan ang suliranin sa ‘open defecation’ sa bansa.

Ito ang sinabi kahapon ni Senador Cynthia Villar matapos ang pagdinig ng Senate subcommittee sa panukalang P160.15 bilyong pondo ng DOH para sa 2020.

Sabi ng senador, nasa 3.5 mil­yong Pilipino ang gumagawa ng “open defecation” sa Metro Manila at may 700,000 households ang nangangailangan ng sapat na pasilidad para sa malinis na palikuran.

“Assuming we put the cost at a minimum of P1,000 per person, we will need a total of P3.5 billion for a period of 10 years if we are to achieve the target to end open defecation by 2030 in Metro Manila alone,” sabi ni Villar.

Hiniling ni DOH Undersecretary Myrna Cabotaje sa komite na bigyan sila ng P196 milyong pondo para sa pagpapagawa ng mga sanitary toilet subalit P2 mil­yon lamang umano ang ibinigay sa kanila.

Dismayado din ang senador sa pagkakabinbin ng pagpapagawa ng mga kubeta sa Barangay 649, Baseco Compound sa Tondo, Maynila. May 500 kubeta ang itatayo rito sa loob ng tatlong taon.

Bilang isa sa mga barangay na may pinakamaraming populas­yon sa Maynila, 43,000 ang populasyon ng Barangay 649. Sa 8,000 households, 80% ang walang access sa sanitary toilet facility.

Para direktang matugunan ang mga suliraning ito, sinabihan ni Villar ang DOH at Department of Social Welfare and Development na kumilos. (Dindo Matining)