Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Czech asinta IRONMAN titulo

0 57

Si Petr Lukosz ang mamang dapat talunin sa Megaworld IRONMAN 70.3 Philippines na aarangkada na sa Linggo, (Agosto 7) sa Lapu-Lapu City, Cebu, lahat atat siyang pigilan kasama ang mga kapuwa dayuhan makaran niyang dominahin ang full IRONMAN race sa Subic.

Binalewala ng 40-taong-gulang na alas mula Czech Republic ang pambihirang init at kakulangan ng kompetisyon upang pamayagpagan ang Subic 3.8k swim, 180k bike, 42k run sa siyam na oras, 52 minuto at 34 segundo, halos isang oras ang agwat sa pumangalang Pinoy na si Jethro Ramos.

Na naglagay sa kanya na aabangang triathlete sa 1.9km swim, 90km bike, 21k run race na hatid ng AIA Vitality, may 1,898 kalahok buhat sa 46 na bansa, at may 12 age-group categories sa pinagarang racecourse.

Magkaribal din sina Lukosz at Ramos sa men’s 40-44 division ng event na may mga paligsahan din sa all-male, all-female relay, mixed relay at CEO division trophy.

Isa rin sa kontender ang pambato ng Lanao del Norte na si Satar Salem, na bumida sa Sun Life 5150 Bohol nitong Hulyo, para sa pangkalahatang kampeonato at sa 25-29 age category.

Ang iba pang mga pag-aagawang korona sa okasyong mga suportado ng Active, Breitling 1884, Gatorade, Hoka at ROKA, ay ang 18-24, 30-34, 35-39, 45-49, 50-54, 55-59, 60-64, 65-69. 70-74 at 75-and-above.

May 222 ang mga maglalabo-labo para sa IRONKIDS bukas (Sabado) , na magpapasimula sa linggo ng IRONMAN.

“For all the athletes, it is time for your preparations to pay off and enjoy the experience. We understand the effort and sacrifice that you have made to prepare fot his event and our IRONMAN team stands ready to help you achieve your goals,” pahayag Huwebes ni IRONMAN Asia managing director Jeff Edwards.

SM food to go Banner Ad

Gaganapin ang press conference ng IRONMAN 70.3 ngayong Biyernes simula sa alas-3:00 ng hapon, samantalang ang IRONKIDS race briefing ay sa alas-5:00 ng hapon via Facebook live.

Sa mga detalye pa, bisitahin ang www.ironman.com/philippines70.3 na may official hashtags: #IM703Philippines at #IMasia, social media (Facebook) Megaworld IM703 AIA Vitality at im703ph (Instagram).

Pinasalamatan din ni Edwards ang event’s partners, volunteers, supporters at local community sa all-out support para matiyak ang matagumpay na pagdaraos ng kaganapan na tinawag na crown jewel ng Asian triathlon.

Umaasa naman si race director Neville Manaois nang mabilis na oras, pero ubusan ng lakas sa bike base sa ruta nito na magdadala sa mga kasali sa tulay ng CCLEX, nagkokonekta sa Lapu-Lapu City at Municipality of Cordova.

Ang iba pang mga pumapadrino sa IRONMAN 70.3 Cebu: Athletic Brewing Co., Hyperice, Santini, Wahoo, Fulgaz, City of Lapu-Lapu, CCLEX, Municipality of Cordova (Cebu), City of Cebu, Lalamove, Alaska, Lightwater, Prudential Guarantee, RLC Residences, Regent, Rudy Project, Sante, Teresa Marble Corp. Cignal, Philippine Star at Sportograf.com.

Kaugnay nito, binuksan nitong Huwebes ang IRONMAN 70.3 Philippines Expo and Merchandise Store Open na nagpasimula sa aktibidad ng malaking pagtitipon kabilang ang check-in sa unang grupo ng mga atleta na mga kakarera paalis at pabalik The Mactan Newtown.

At dahil sa pagsasara ng mga kaalsada sa alas-4:00 ng umaga-alas-2:00 ng hapon sa araw ng karera upang matiyak ang kaligtasan ng mga triathlete, magpapatupad ang local government unit at organizer IRONMAN Group/Sunrise Events, Inc., ng traffic re-routing sa anim na barangay sa Lapu-Lapu City, kabilang ang Mactan, Punta Engaño, Maribago, Agus, Marigondon at Subabasbas.

Tiniyak din ni Lapu-Lapu City Mayor Junard Chan na sa mga may nakatakdang flight, may mga establisimiyentong nag-aalok ng airport lounge habang nag-aabang ng kanilang mga pag-alis. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.