Abante Tonite Interactive

D-League: Diouf, CEU tatapakan ang iWalk

162

TEAM STANDINGS
GROUP A W L
CEU 3 0
Marinerong Pilipino 2 0
Asia’s Lashes-TM 2 1
iWalk 2 1
Hazchem 1 2
AMA Online Education 1 3
NailTalk-SDS 0 4

GROUP B W L

BRT Sumisip Basilan-SC 3 0
TIP 4 1
Black Mamba 1 1
Italiano’s Homme 1 1
Hyperwash Vipers 1 2
McDavid-DLSA 0 2
Alberei 0 3

Mga laro mamaya:
(JCSGO Gym, Cubao)
1:30 pm – CEU vs iWalk
3:30 pm – Italianos vs Black Mamba

Inaasahang muling gagalamayin ni Senegalese big man Malick Diouf ang Group A leader Centro Eescolar University pagbangga sa iWalk sa unang laro ngayong Huwebes ng ala-1:30 nang hapon sa 9th PBA D-League Foundation Cup eliminations sa JCSGO Gym, Cubao, Quezon City.

Humarabas ng double-double output si Malick na 18 points at 23 rebounds sa pagkagat ng Scorpions (3-0) sa AMA Online Education, 86-77, sa nakalipas na Huwebes, Agosto 15 sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Pero desidido ang kasosyo sa terserong Chargers (2-1) na dungisan ang Scorpions at pahabain ang winning-streak sa tatlo bukod sa pigilan munang makapalaot sa next round ang karibal.

Magiging sandata ng Chargers si JP Belencion na nitong August 12 lang sumiklab ng 38 points upang salyahin ang Nailtalk Savio, 107-46, na tinampukan nang pagdiyeta rito ng all-time low 2 pts. lang sa opening quarter.

Salpukan rin ang magkasalo sa ikatlo sa Group B Italianos Homme (1-1-Black Mamba Energy Drink (1-1) sa ikalawang laro sa alas-3:30 nang hapon. (A­ivan Episcope)