Abante Tonite Interactive

D-League: TIP aasa kina Ndiaye, Santos

251

Mga laro ngayong Huwebes:
(Ynares Sports Arena, Pasig)
1:30 pm — Black Mamba vs TIP
3:30 pm — AMA vs CEU
5:30 pm — iWalk vs Nailtalk-Savio

Sa pagtrangko nina Papa Ndiaye, Bryan at Ivan Santos, pakay ng Technological Insttute of the Philippines na laklakin ang Black Mamba sa 9th Philippine Basketball Association D-League Foundation Cup 2019 eliminations ngayong Huwebes ng ala-1:30 nang hapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Kasalukuyang may 3-1 win-loss record, nais ng Engineers na makuha ang No. 2 spots sa Group B kapag natungga ang Energy Drink (1-0) na magsisiguro na rin ng spot sa next round round ng midseason confe-rence.

“We’re already loo-king ahead. Right now 3-1 kami, so I think we have one foot in the door already sa playoffs. We want to prepare for the playoffs already as early as now,” komento ni TIP coach Potit de Vera.

Muling aasahan ng TIP sina Senegalese big man Ndiaye, Bryan Santos at Ivan Santos kasunod ng mga pagsiklab nila kontra Ita-liano’s Homme, 133-98, sa kanilang huling laban nitong Agosto 8.

‘Di naman papayag ang Energy Drink na madungisan ng TIP sa asam win streak.

“They’re younger, they’re faster. We just have to match up yung energy ng TIP. They’re a young team, they’re running, so we have to prepare for that,” sambit ng Black Mamba bench strategist Vis Valencia. (Aivan U.. E­piscope)