Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DA asec: Baboy binabagsak sa walang price freeze

0 59

Mas ninanais ngayon ng mga negosyante na magbagsak ng karneng baboy sa Bulacan at iba pang lugar na walang price freeze kaysa sa National Capital Region (NCR).

Paliwanag ni Department of Agriculture (DA) Assistant Secretary Arnel De Mesa sa press conference nitong Huwebes, walang price freeze sa Bulacan kaya doon nagdadala ng karneng baboy at sa iba pang probinsya.

Sa Metro Manila, hanggang P270 per kilo lamang dapat ang bentahan ng kasim at pigue at P300 per kilo naman ang liempo.

Sa Bulacan kung saan may African Swine Fever (ASF) pa rin, nasa P360 hanggang P380 per kilo ang bentahan ng baboy.

Para sa mga biyaherong manggagaling sa Ilocos, mas mabuti pang ibagsak na ang baboy sa Bulacan.

Sa Batangas naman, P300 per kilo ang bentahan ng baboy.

Para sa mga biyaherong manggagaling sa katimogan, mas mabuti nang maibagsak na ang baboy sa malapit kaysa makotongan sila sa haba ng kanilang mga dadaanan.

Aminado si De Mesa na hindi alam ng DA kung gaano katagal magpapadala ng karneng baboy sa Metro Manila ang mga hog raiser na kinausap ng kagawaran.

“It has to be a coordinated effort,” sabi ni De Mesa. “Hanggang kailan tayo tatagal ayan po ay in coordination with our partners.” (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.