Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DA binato problema ng ASF sa mga LGU

0 51

Pinukol ng Department of Agriculture (DA) sa mga local government unit ang pananagutan sa pagpuksa ng African Swine Fever (ASF) sa bansa at sa mga magbababoy naman ang pagsigurong may sapat na suplay ng karne nito sa merkado.

Ayon kay DA Assistant Secretary Arnel De Mesa, hindi solong responsibilidad o pananagutan ni Agriculture Secretary William Dar ang pagpuksa o pagkontrol sa ASF.

Kailangan aniya na partner sa trabahong ito ang mga LGU dahil sila ang may awtoridad sa kanilang nasasakupan.

Sinabi pa ni De Mesa na marketing at transport lamang ang sagot ng DA para matiyak na mayroong suplay ng baboy sa Metro Manila dahil sa mga magbababoy manggagaling ito.

SM food to go Banner Ad

Aniya, hindi makapagdadala ng baboy sa Metro Manila kung hindi mag-aalaga ang mga magbababoy.

“Hindi nagmamarunong o nagmamagaling ang DA dito. It has to be a coordinated effort,” sabi pa ni De Mesa.

Noon pang Hulyo 2019 naitala ang unang kaso ng ASF sa bansa.

Subalit bago pa ito nangyari, nanawagan na ang mga magbababoy at ang Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na siguruhin ng DA na ipatupad nito ang paghihigpit sa pag-angkat ng mga baboy sa lugar na mayroong ASF. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.