Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DA binawi import ban ng manok sa Belgium

0 105

Nakapaglabas pa ng kautusan si dating Department of Agriculture (DA) secretary William Dar bago bumaba sa puwesto kung saan binawi nito ang import ban ng mga poultry product mula sa Belgium.

Sa kanyang memorandum order na inilabas nitong Hunyo 30 lamang, nakasaad na batay ito sa deklarasyon ng Belgium na ligtas na sila mula sa bird flu.

Nagsumite umano ng report sa World Health Organization (WHO) ang mga awtoridad ng Belgium kung saan inilahad na wala nang bird flu o avian influenza sa kanilang bansa.

Ito umano ang ginawang batayan sa paglalabas ng memorandum order ni Dar kung saan binawi nito ang import ban sa mga Belgian poultry product.

Leave A Reply

Your email address will not be published.