Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DA, BOC magkaiba presyo sa imported baboy

0 46

Pinuna ni Senador Francis Pangilinan ang pagkakaiba sa $1.35 kada kilo ng presyo ng imported na karne ng baboy ng Department of Agriculture (DA) at Bureau of Customs (BoC) na maaaring magresulta aniya sa pagkalugi ng gobyerno ng P26 bilyon.

“The DA says it’s 3 dollars a kilo, while the BOC says it’s 1.65 dollars. `Pag ganyang usapan, sino po ang paniniwalaan natin? Ang DA o ang BoC? Parehong gobyerno. Obviously mataas ng over 40 percent itong sa DA kumpara sa BOC,” pahayag ni Pangilinan sa pagdinig ng Senate committee on food and agriculture sa tumataas na presyo ng mga pagkain.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“At 404.2 million kilos, that price difference is equivalent to over 544 million dollars or over 26 billion pesos, calculating at 48 pesos to the dollar,” dagdag pa nito.

Dahil dito, mukha aniyang pinapaboran ng gobyerno ang interes ng mga imported kaysa industriya ng mga magbababoy sa Pilipinas. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.