Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DA, DENR, DSWD korapsyon binusisi ng PACC

0 303

Nadagdagan pa ang iniimbestigahang ahensya ng gobyerno na sangkot sa katiwalian ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC).

Sa panayam kay PACC Commissioner Greco Belgica sa Abante Radyo Tabloidista nitong Sabado, inamin ng opisyal na kanila ring iniimbestigahan ang Department of Agriculture (DA), Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

“Ang mga agencies na ito has always, already been investigated by the commission. Mayroon na kaming mga report na iniimbestigahan dyan sa mga nabanggit niyo, even other agencies,” kumpirmasyon ni Belgica.

Sinabi rin ni Belgica na nakarating na kay Pangulong Rodrigo Duterte ang reklamo sa nabanggit na mga kagawaran.

“Ang mga kasong binanggit ng Pangulo probably, this are nakarating sa kanya in many platforms,” ayon pa kay Belgica.

Ang DA ay pinamumunuan ni Secretary William Dar habang dalawang dating heneral naman ang nakaupo sa liderato ng DENR na si Secretary Roy Cimatu at Secretary Rolando Bautista sa DSWD. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.