Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DA, DTI inutil sa taas presyo ng bilihin

0 440

Lagpas walong buwan sapul nang tumama ang coronavirus sa Pilipinas at kasabay noon ang pagtaas na presyo ng bilihin.

Madalas kasi akong namamalengke kaya kabisado ko ang presyo ng mga bilihin. Wala ka naman choice kung hindi bumili dahil ‘yan ang pang-araw-araw nating kailangan, pagkain.

Ang nakakadismaya nga lang, kasabay ng pandemyang ito ay ang patuloy pa ring pagtaas sa presyo ng mga bilihin. Sinabayan pa ng nagdaang mga kalamidad kaya’t lalo pang lumobo ang presyo nito.

Bago ang pandemya, naaala ko ang presyo ng karneng baboy ay P240 lang ang liempo pero sumirit ito ngayon sa P340 per kilo. Halos P100 ang itinaas. Bahagya ding tumaas ang manok na P155 na per kilo na dati P140 lamang.

Maging ang presyo ng tilapia ay tumaas din. Dati kasi P90 per kilo dito sa amin sa Pampanga, ngayon naging P125 na. Ang bangus na dating P140 ay naging P190 per kilo.

Pati ang presyo ng gulay ay talaga namang nakakalula ang presyo lalo na’t nagkaroon ng ilang sunod na bagyo kaya naman inaasahan nang tumaas ito.

Isipin nyo ang sitaw ngayon P150 na ang kilo, talong [P150], kamatis [P140], talong [P150] at ang nakakagulat ang amplaya na P220 na ang kada kilo. Mapapa-wow ka nga lang sa taas ng presyo.

Kaya nga ang iba, bakit ka pa bibili ng gulay kung ang presyo nito ay ka-presyo rin ng manok. Eh di sa manok ka na lang, huwag nang mag-gulay. Di ba mas praktikal?

Sa ganitong sitwasyon, iisipin mo ang pamilyang naapektuhan ng pandemyang ito. Iyong mga nawala ng trabaho. Iyong mga na-retain nga sa trabaho pero hindi naman full na natatanggap ang suweldo.

Ang punto, kung kulang ang ‘purchasing power’ mo, magtitiis ka na lang o pagkakasayahin mo ang kinikita mo para mapakain ang iyong pamilya. Kasi nga, walang kang choice.

Ang nakakadismaya nga lang, nagmistulang hirap ang DTI o ng DA na ikontrol ang presyo ng mga panunahing bilihin sa kasalukuyan. Sinasabi naman nila na kontrolado pero hindi kasi hindi nila talaga natutukan at hindi nilala nakikita.

Mas mainam na sila mismo ang magpunta sa palengke para malaman nila na yung ipinapatupad nilang suggested retail price (SRP) ay nasusunod. Madaling sabihing kontrolado ang presyo, pero ang katotohanan walang “price control” na nangyayari sa kabila ng pagdelara ng state of calamity sa buong dahil sa magkakasunod na bagyong tumama sa bansa.

Hindi mo naman masisisi ang mga tinder dahil malaki din ang kanilang puhunan kesa sa SRP na pinapataw ng DTI o DA kaya nga mataas ang presyo ng kanilang paninda sa palengke.

Bukod diyan mataaas din mark-up cost ng mga middlemen o mga gumigitna sa pagbili ng mga gulay sa mga farmers kaya tumaas din ang presyo nito sa pamilihan.

Pero asan na nga ba ang Kadiwa store ng DA at DTI? Gumugulong pa ba? Parang sa umpisa lang itong proyektong ito dahil hanggang ngayon wala naman kaming nakikitang Kadiwa store dito sa lugar naman sa Pampanga.

Maganda ang konsepto ng Kadiwa store dahil direktang bibilhin ng gobyerno ang ani ng mga magsasaka at hindi na dadaan pa sa middlemen. Sa ganitong paraan mapababa ang presyo nga mga bilihin.

Kung inutil sila sa pagkontrol sa presyo ng mga bilihin, paigtingin naman nila itong Kadiwa stores na ito para naman makatulong sila sa naghihikahos ng mga Pilipino ngayong pandemya.

Kaya pakiusap sa DTI at DA, asikasuhin n’yo naman ito. Maawa kayo sa mga tao dahil lugmok na nga sa panahon ng pandemya, lalo pang pinahihirapan sa walang patid na pagtaas sa presyo ng mga panungahing biliihin. Paki, please!

Leave A Reply

Your email address will not be published.