Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DA humirit ng P433M sa Taal rehab

0 297

Humihingi ang Department of Agriculture (DA) ng karagdagang P433.7 milyong pondo para sa mga magsasaka at mangingisda na naapektuhan ng pagsabog ng bulkang Taal noong Enero 12, 2020.

Sa pagputok ng Taal noong Enero, umabot sa P1.8 bilyon ang nalugi sa sektor ng agrikultura sa 22 lungsod at bayan sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna, at Batangas nang mapinsala nito ang 4,731 hektaryang lupain.

Sabi ng DA, P813.8 milyon ang kailangan nila para sa full recovery at rehabilitation ng mga apektadong lugar. Dagdag ng DA, P379.9 milyon ang inilabas na pondo sa ilalim ng Quick Response Fund at hanggang nitong Hulyo 17 ay naipamahagi na ang mga makinarya at kagamitan ngunit hindi pa tapos ang pamimigay ng iba pang bagay na kasama sa programa. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.