Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DA inutos export ban ng asukal sa US

0 55

Ipinagbawal ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar ang pag-export ng Pilipinas ng asukal sa Estados Unidos ngayong taon para hindi magkulang ang supply nito sa bansa.

“Hindi muna namin papayagan mag-export sa US,” sabi ni Dar sa press conference kahapon.

“[Ang] produksyon natin ay more or less sapat lang sa ating requirement that’s why,” paliwanag ng kalihim.”

Nabatid na epektibong pinagbawal ni Dar ang pag-export ng asukal sa US noong Agosto 27, 2021 nang pirmahan niya ang Sugar Order No. 1 series of 2021-2022 kung saan lahat ng produksyon nito ngayong anihan ay inilaan para sa lokal na merkado.

Ayon sa Sugar Regulatory Administration (SRA), bababa ang produksyon ng asukal ngayong taon sa 2.099 milyon metriko tonelada. Mas mababa ito kaysa sa 2.19 milyon metriko tonelada noong nakaraang ani.

Sabi ng SRA, mas kaunti ang magagawang asukal ngayon dahil sa La Niña weather phenomenon. Dahil magiging maulan, mas kaunti ang makukuhang asukal sa mga aanihing tubo sa bansa. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.