Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DA malambot sa mga pork smuggler – SINAG

0 159

Binatikos ng isang grupo ang plano ng Department of Agriculture (DA) na mamudmod ng libreng freezer sa mga palengke sa Metro Manila sa tulong ng mga local government unit.

Sabi ni DA Secretary William Dar, P45 milyon ang budget nito para sa ipamimigay na mga freezer sa Metro Manila.

Aniya, 2,500 chest freezer ang bibilhin na nagkakahalaga ng P18,000 per unit na kakasya ang 150 kilong baboy.

Giit naman ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), lalo lamang kinukunsinti ni Dar ang pagbebenta ng smuggled pork sa mga palengke.

“Sa ASD (Agri Sec Dar) mamamatay ang industriya, hindi sa ASF (African Swine Fever),” sabi ni SINAG chair Rosendo So.

Malinaw na aniya ngayon kung bakit ayaw tugisin ni Dar ang mga importer na nagsasamantala sa presyo at padadaliin pa nito ang gawain ng mga ito sa pamimigay ng freezer.

Ayon pa sa grupo, nilalatag ni Dar ang daan para mas madaling maibenta ang imported pork nang hindi naman nasusuri ang kaligtasan ng mga ito.

Dagdag pa ng SINAG na hindi naman nito mapababa ang presyo ng baboy para sa mga tao at pipilayin lang ang lokal na industriya ng baboy.(Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.