Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DA may kakarampot na dagdag sa budget

0 65

Kapos pa rin para sa mga kongresista ang budget ng Department of Agriculture (DA) para sa susunod na taon kahit na dinagdagan ito ng 1.4 percent.

Sa deliberasyon ng 2022 proposed budget ng DA, sinabi ni Northern Samar Rep. Paul Daza, na siyang nag-sponsor sa DA budget, bagama’t ang inirekomenda ng Department of Budget and Management (DBM) na P91 bilyon budget ay mataas ng 1.4 percent mula sa P90.06 bilyon kasalukuyan nitong budget, ito’y malayong-malayo pa rin sa initial proposal ng ahensiya na P231.7 bilyon.

“That would be the barest minimum. This increase is really not sufficient and this sponsor believes that we should explore the possibilities of further augmentation of the budget,” dismayadong sagot ni Daza nang tanungin kung ang 1.4 percent increase sa DA budget ay sapat.

Maging si Camarines Sur Rep. Gabriel Bordado ay naniniwala na dapat dagdagan pa ang budget ng ahensiya bilang isa sa nag-aambag sa katatagan ng ekonomiya ng bansa. ­(Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.