Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DA may P461M pambayad sa mga tinamaan ng ASF

0 298

Babayaran ng Department of Agriculture (DA) ang mga nag-aalaga ng baboy na tinamaan ng African Swine Fever (ASF).

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, maglalabas na sila ng P461 milyong pambayad sa mga magbababoy na nagdeklarang naapektuhan sila ng ASF at namatayan ng mga alaga.

Matagal nang panawagan ng mga magbababoy na bayaran ang mga naapektuhan ng ASF at marami na rin ang naghihintay pa rin na mabigyan ng bayad-pinsala.

Batay sa Proclamation No. 1143 na nagdeklara ng state of calamity sa buong bansa dahil sa ASF, P100 bilyon ang nawala sa mga nag-aalaga ng baboy at sa mga industriyang konektado dito habang nasa tatlong milyong mga baboy naman ang namatay simula nang iniulat na nakapasok na ang naturang sakit sa Pilipinas noong Agosto 2019. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.