Abante Tonite Interactive

DA, NFA may P250K pabuya vs rice hoarder

347

Inilunsad ng Department of Agri­culture (DA) at National Food Authority (NFA) nitong Sabado ang joint campaign laban sa rice hoarding.

Sa ‘Report a Hoarder’ campaign, P250,000 ang matatanggap na reward ng sinumang magbibigay ng impormasyon para sa ikadarakip ng rice hoarder.

“In launching the campaign, DA and NFA expect traders to release their stocks and stabilize prices,” ayon sa Facebook post ni Agriculture Secretary Manny Piñol.

Tiniyak din ng kalihim na magiging ‘confidential’ ang pangalan ng informants.

Sa bahagi ng NFA, sinabi ni administrator Jason Aquino na pinaigting nila ang kanilang monitoring activities upang maprotektahan umano ang mga consumer mula sa mga negosyanteng nagsasamantala sa sitwasyon.

Nabatid na ang reward money ay manggagaling sa bulsa ng ‘private millers and traders’ na nalulugi dahil sa rice hoarding ng ilang negosyante.

Matatandaang kinuyog ng mga mambabatas ang DA at NFA dahil sa importasyon ng bigas na binukbok lamang sa barko at gusto pa ring ipamahagi sa mga consumer, gayundin sa patuloy na pagtaas ng presyo ng butil sa pamilihan.