Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DA nganga sa sirit presyo ng baboy

0 149

Hindi mapigilan ng Department of Agriculture (DA) ang pagsirit sa presyo ng karneng baboy sa mga pamilihan.

Nabatid na hanggang nitong Oktubre 21 ay naglalaro ang presyo kada kilo ng baboy ng P320 sa kasim (ham) at P360 ang liempo sa mga pamilihan sa Metro Manila.

Subalit napag-alaman ng Abante TONITE na isang supermarket sa Filinvest Alabang sa Muntinlupa City ang nagbebenta ng karneng baboy sa mas mataas na presyo o P439 kada kilo.

Samantala, inihayag ng DA na mag-iimbestiga sila kung sinasadya ng mga trader ang kakapusan ng mga produktong baboy sa mga pamilihan para tumaas ang presyo nito.

Batay kasi umano sa imbentaryo nila ay maroon sapat na suplay ng baboy na kinatay sa bansa gayundin ng mga imported pork na nasa mga cold storage facility na accredited ng National Meat Inspection Service (NMIS).

Leave A Reply

Your email address will not be published.