Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DA payagang inspeksyunin mga imported karne

0 178

Nanawagan sa Bureau of Customs (BOC) ang isang mambabatas na payagan ang Department of Agriculture (DA) na masiyasat ang mga imported na karne upang hindi na madagdagan pa ang problema sa African Swine Fever (ASF).

Ayon kay Albay Rep. Joey Salceda, chairperson ng House committee on ways and means, magpapadala siya ng sulat kay Finance Secretary Carlos Dominguez III para hilingin na bawasan ang pagproseso ng BOC sa mga imported na karne at hayaan ang DA na makapagsagawa rin ng inspeksyon upang matiyak na hindi kontaminado ang sakit ng mga ito.

Paliwanag ni Salceda, mahalagang protektahan ang domestic supply sa lalo pang pagbagsak dahil sa ASF kaya kinakailangang masuri muna ang mga imported na karne.(Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.