Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DA pinalagan sa imported manok

0 144

Nababahala ang isang asosasyon ng mga poultry producer sa desisyon umano ng Department of Agriculture (DA) na ituloy ang pag-angkat ng mga manok sa ibang bansa.

Sinabi ni United Broilers Raisers’ Association president Atty. Elias Jose Inciong sa panayam sa radyo, bagsak na ang presyo ng manok dahil sa maraming suplay pero napakababa naman ng demand nito.

Inatasan pa umano silang mag-self regulate sa regional at industry level para maiwasan ang oversupply ng manok sa merkado.

Daing pa nila, lalong malulubog ang mga lokal na magmamanok dahil wala anilang ibang ibig sabihin ang utos kung hindi ay magbawas pa ng produksyon. (Riz Dominguez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.