Abante Tonite Interactive

DA Sec. Piñol bilib sa tawa-tawa kontra dengue

344

Hindi dapat isangtabi ng Department of Health ang lunas na maibibigay ng halamang tawa-tawa sa mga taong nagkakadengue.

Ito ang pahayag ni dating Agriculture Secretary Emmanuel Piñol.

Sa isang Facebook post ni Piñol, sinabi niyang may mga pag-aaral na ang Department of Science and Technology (DOST) na nagpapakitang nakatutulong ang halamang tawa-tawa sa mga na-dengue ngunit binabalewala ito ng DoH.
“In spite of the findings made by the Department of Science and Technology that the herb ‘tawa-tawa’ could provide relief to Dengue victims, the Department of Health has downplayed its benefits and efficacy,” sabi niya.

Hindi maintindihan ni Piñol kung bakit hindi pinapahalagahan ang herbal medicine samantalang bil-yon-bilyon naman ang ginagastos ng pamahalaan para sa gamot. Noong kanyang kabataan, tinuruan siya ng kanyang mga lolo’t lola na kilalanin ang mga halamang nagbibigay lunas sa iba’t ibang uri ng mga sakit.

Ayon kay Piñol, may albularyo sa bayan ng Antipas sa probinsiya niang North Cotabato na gumagamit ng halaman para gamutin ang mga na-dengue. Ilan sa mga manggagawa sa kanyang bukid ang na-dengue at pinuntahan ang albularyo at gumaling naman sila, sabi niya. Dagdag pa niya, wala pa siyang narinig na kaso na pasyente ng albularyo na uminom ng pinakulong tawa-tawa na hindi gumaling.

“We cannot just brush off these anecdotal accounts and brand him as a quack doctor,” sabi ni Piñol. Kung nakakagaling ang halaman, bakit pa gumagastos ang pamahalaan ng bilyon para sa synthetic na gamot na binibili sa dayuhan, tanong niya. Mas mainam pang gamitin na lang ang pera para itanim ang halaman at maari pang maging source ng herbal cure para sa dengue ang Pilipinas, sabi ni Piñol. (Eileen Mencias)