Abante Tonite Interactive

DA sinilip ng COA sa P957M natenggang proyekto

By
375

Nasita ng Commission on Audit (COA) ang isang dosenang proyekto ng Department of Agriculture (DA) na nabigong ta­pusin sa itinakdang deadline.

Sa 2017 report ng COA sa DA, nasilip ng COA ang mga hindi na­tapos o unfinished infrastructure project na nagkakalahaga sa P957.678 milyon na ka­ramihan ay farm-to-market roads (FMR) sa CALABARZON at Bicol region na dapat ay may completion target bago nagtapos ang taong 2017.

Ang mga nabanggit na proyekto ay nasa ilalim ng Intensified Building-Up of Infrastructure and Logistics for Development o IBuild program.

Abante Hiring – IT dep

Kabilang sa mga pro­yektong ito ay ang Potable water system cons­truction sa Luisiana, Laguna, na may target completion date na December 24, 2017; Rehabilitation ng FMR sa Lucena City, October, 15, 2015; Concreting ng FMR sa Mulanay, Quezon, June 23, 2016.

Kasama rin ang Rehabilitation ng FMR sa Lucena City, May 2, 2016; Concreting ng FMR sa Macalelon, Quezon, April 12, 2016;

Concreting ng FMR sa Lucban, Quezon, May 28, 2016;

Concreting ng FMR sa Guinayangan, Quezon, November 26, 2017;

Concreting ng Sto. Domingo-Napili­han FMR sa Camari­nes Norte, April 14, 2017;Concreting ng Ca­busay-Labnig FMR sa Camarines Norte, February 19, 2017; Rehabilitation ng San Isidro-Pag Oring Nuevo FMR sa Camarines Sur, November 30, 2017; Cons­truction ng warehouse sa Albay, November 20, 2017; at Rehabilitation ng Pistola-Tablon road sa Albay, October 10, 2017.

“Any delay of implementation will also result in the delay of pro­ject completion thereby depriving the intended users of the immediate benefits that will be derived therefrom,” ayon sa COA.

Nasita rin ng COA ang 12 activities sa ila­lim ng National Livestock Program (NLP) ng Bureau of Animal Industry na hindi rin nakumpleto o natapos

Kabilang dito ay ang pagbibigay ng laboratory services; provision of biologics, vaccines and drugs; distribution of forage/seeds and animals; distribution of cattle, other poultry animals, goats, sheep; training of personnel; giving of incentives for workers mula sa local government; at research at development activities.