Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DA: Suplay ng bigas kasya pa sa 3 buwan

0 241

Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na sapat pa ang suplay ng bigas sa bansa para sa susunod na tatlong buwan sa kabila ng matinding pinsala na dinulot ng magkasunod na bagyong `Quinta’ at `Rolly’ sa agrikultura.

Sa pagtaya ni Agriculture Secretary William Dar, sinabi nito sa panayam sa kanya sa radyo na mahigit P5 bilyon ang perwisyong dulot ng magkasunod na bagyo sa sektor ng agrikultura at matinding hinagupit aniya nito ang palay.

SM food to go Banner Ad

Sa kabila nito, siniguro ng kalihim na mayroon pa ring suplay ng bigas sa bansa sa susunod na tatlong buwan.

“Kung i-convert natin ‘yung tama sa palay sa daily consumption natin sa Pilipinas ay apat na araw lang ang bumaba. So apat na araw i-minus natin dyan sa meron tayong present inventory na 94 days, so minus four meron pa tayong tatlong buwan na sapat na bigas para sa ating bansa,” ayon pa kay Dar.

Leave A Reply

Your email address will not be published.