Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DA tinaas presyo ng karneng baboy

0 203

Itinaas na rin ng tanggapan ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar ang Suggested Retail Price (SRP) ng karneng baboy sa Metro Manila.

Mula sa SRP na P190 kada kilo noong Pebrero, tinaas sa P230 kada kilo ang kasim at pigi ng baboy habang P250 kada kilo naman sa liempo.

Nakasaad ang bagong SRP ng baboy sa DA Administrative Circular No. 07 na pinirmahan ni Dar noong Hunyo 25.

Ayon kay DA spokesperson Noel Reyes, tinaas ang SRP sa baboy sa Metro Manila dahil nagtaas na ang farmgate price nito.(Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.