Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Daa kumamada, Pagadian tumba

0 21

Rumatsada ng 17 points sa likod ng 6-of-10 shooting kasama ang 3-pointer sa final 16 seconds si Dennis Daa nang silatin ng ALZA Alayon Zamboanga del Sur ang Pagadian Explorers, 78-73, sa Chooks-to-Go 1st Pilipinas VisMin Super Cup 2021 Mindanao leg elims sa Pagadian City Gymnasium Miyerkoles.

Kinumpleto ng 42-year-old, 6-foot-5 veteran center-forward mula sa Tacloban ang makinang na araw sa sahog pang 7 rebounds, 3 blocks at 2 assists para pumasok sa win-column ang team (1-2).

Umakyat din sa sixth spot ang Zamboanga del Sur at sinalya ang biktima sa 4-2 para mapako sa tersero sa kabila na kumayod ng 15 markers si Rich Lorenz Guinitaran. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.