Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Daanoy dinaganan Basilan

0 88

Sorprsang dinungisan ni Mark Daanoy ng BYB Kapatagan ang kaputian ng Basilan BRT, 77-71, sa Chooks-to-Go 1st Pilipinas VisMin Super Cup (2nd Conference) 2021 Mindanao Challenge elims Sabado sa Pagadian City Gymnasium sa Zamboanga Del Sur.

Nagsalpak si Daanoy ng 21 points sahog pa ang 9 rebounds, 3 steals, 2 assists at 1 block para pumanhik ang Buffalos sa second win sa four games at pinintahan ang biktima ng unang mantsa sa apat ding sabak.

Ito rin unang olats ng Peace Riders sa 17 game mula pa sa pagwalis sa 10-game sa Mindanao leg finals at 3-game Southern finals na parehong pinagharian ng kampo.

Umalalay rin sa ratsada si KD Ariar na may 13 markers, 6 dimes at 4 board.

Hindi naman naging epektibo ang 16 puntos ni Junjie Hallare sa Basilan. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.