Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Daanoy matalas sa Pagadian

0 132

Muli na namang kinarga nina Mark Daanoy at KD Ariar ang Kapatagan nang ang host Pagadian, 69-62 sa Chooks-to-Go 1st Pilipinas VisMin Super Cup 2021 Mindanao Challenge Lunes sa Pagadian City Gymnasium sa Zamboanga Del Sur.

Bumulusok ang tandem nina Daanoy sa 12 pts. at Ariar sa 11 markers at 10 rebounds upang rendahan ang Buffalo sa top spot sa 4-2 win-loss record.

SM food to go Banner Ad

Lagapak naman sa sixth spot ang Explorers sa 2-4 kartada. Ito na rin ang pangatlong sunod na olats nila sa balwarte. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.