Abante Tonite Interactive

Dabarkads may paandar sa 40th anniversary ng ‘Eat Bulaga’

By
1,789

tonite-this-is-it-roldan-castroIsang libo’t isang tuwa ang preparasyon sa 40th anniversary ng noontime variety show na ‘Eat Bulaga’.

Sey ni Jenny Ferre, SVP for Creatives and Operations ng programa, magiging simple, nostalgic at heartwarming ang kanilang selebrasyon. Pero may inihandang paandar ang Dabarkads.

“Lagi nating sinasabi na ‘Life begins at 40,’ ganoon din ang pakiramdam namin. Kami ay excited na i-present ang ‘forty-fied’ version ng programa,” deklara niya.

Ang pilot episode ng Eat Bulaga ay ipinalabas noong Hulyo 30, 1979. Ito’y pi­nangunahan nina Joey de Leon, Tito at Vic Sotto. Personal na pinili ang tatlo, ni Television and Production Exponents, Incorporated (TAPE) Boss Antonio Tuviera para ipangtapat sa noon ay number one show na ‘Student Canteen’.

Sa mahigit 20 taon na bahagi ng programa, walang pattern or secret formula ang Eat Bulaga. Para sa kanya, ang success ay nagmumula sa pagma­mahal sa trabaho at ang patuloy na pag-evolve ng grupo.

Sinisigurado rin ni Ferre na kahit na apat na dekada na ang Eat Bulaga sa telebisyon ay andoon pa rin ang dedication, hunger at passion ng bawat isa.

Maliban sa pagiging leader sa nasabing format at timeslot, unti-unti na ring pinasok ng Eat Bulaga ang mundo ng internet.

Sa ngayon ay maa-access ng netizen ang mga episode sa Eat Bulaga official YouTube channel at mapapanood na rin ng mga overseas viewer ang programa via live streaming­.

Nagsimula na rin mag-produce ang Eat Bulaga ng content na exclusive para sa kanilang online platforms. Isa na nga rito ang ‘Eat Bulaga Behind The Scenes’ kung saan ay gaganap na parte ng production team ang isa sa mga host ng programa.

“Unti-unti na naming ini-extend ang Eat Bulaga sa interwebs. Pareho pa rin ng kasayahan at entertainment ngunit hindi na lamang ito hanggang 2:30 ng hapon. Ang aming vision ay maging 24/7 ang Eat Bulaga online. Maaari mong i-check ang videos at manood ng episodes saan man or kailanman mo naisin.”

Huwag kalimutang su­baybayan ang year-long celebration ng Eat Bulaga at ang directorial debut ni Jose Manalo sa horror telemovie na pinamagatang ‘Pamana’, ngayong Hulyo 28, Sabado sa GMA-7.

Regine makamundo ang kaseksihan

Kinatawan ng C­a­tan­duanes si Regine Harriet Isorena. Makamundo ang kaseksihan ‘pag titingnan.
Ang pagsasalarawan sa kanya ng Miss Global Phi­lippines 2018 ay nagsimulang mag-serve sa publiko sa edad na 16. Hinihimok niya ang mga kabataan na pangalagaan ang kapaligiran.
“Dreams to be an advocate of beauty for a cause through beauty pageant,” mababasa sa booklet ng MGP.

***

Patigasan, palakihan, pasiklaban ang magaganap nga­yong gabi, July 28 sa ‘King of Notes 2018’. Ito’y search for the most exo­tic dancer of White Bird. Matatagpuan ito sa Roxas Blvd. malapit sa Baclaran.
Para sa ibang detal­ye tumawag sa 8512088-89, 09279074623.