Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dabawenyo, insider pinuwesto sa ERC

0 442

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang mga bagong miyembro ng Energy Regulatory Commission (ERC) sina Floresinda Baldo-Digal at Marko Romeo Lizada Fuentes.

Kinumpirma ito ni Presidential Spokesman Harry Roque at sinabing aasahan ng Malacañang kina Digal at Fuentes na mangibabaw ang proteksiyon at interes ng mga energy consumer lalo na ngayong COVID-19 pandemic.

Si Digal na matagal nang ERC spokesperson ay kapalit ni Josefina Patricia A. Magpale-Asirit.

Bago ang kanyang appointment ay pinuwesto siya ni ERC Chairperson Agnes Devanadera bilang executive director ng ahensya. Nagsilbi rin siyang director ng Regulatory Operations Service ng ERC. Dalawampu’t anim taon na si Digal sa ERC.

Si Fuentes naman ay isang certified public accountant mula sa Davao City at pinalitan nito si Paul Christian Cervantes. Bago ang kanyang appointment sa ERC ay vice chair siya ng Board of Accountancy.

Nabakante ang puwesto nina Asirit at Cervantes sa ERC noong July 10. (Aileen Taliping/PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.