Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dacera pinatay, ebidensya hawak ng NBI

0 223

May hawak nang ebidensiya ang National Bureau of Investigation (NBI) na nagpapatunay na may naganap na krimen sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera na natagpuang walang buhay sa bath tub ng City Garden Grand Hotel sa Makati City noong Bagong Taon.

Ito ang kinumpirma ni NBI Deputy Director Ferdinand Lavin, kaugnay sa ginagawang pagsusuri o autopsy sa bangkay ni Dacera.

May malinaw ng indikasyon na may nangyaring krimen kung saan mahigit sa isa ang gumawa nito kay Dacera.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon kay Lavin mahigit na sa 50% ang isinasagawa nilang imbestigasyon kumpara sa imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) na itinuring na nilang case solved.

Sinabi ni Lavin na sa ngayon ay wala pang klasipikasyon ang NBI kung ang kaso ay “solve” o “unresolve” pa.

“Without comemmenting other investigation, our investigation will be very legal, thorough forensic base, this is evidence base so we will have scientific pieces of evidence, it will back up by CCTV, digital pieces of evidence, electronic pieces of evidence, it will back up by, hopefully a testimonial evidence,” ayon kay Lavin . “We have also some psychological assessment going into their full range of forensic capabilities,” dugtong pa nito.

Ayon sa opisyal, walang time frame ang ginagawang imbestigasyon ng NBI pero magsasagawa ng masusing pagsisiyasat ang mga foresic expert ng NBI. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.