Abante Tonite Interactive

Dada ni Thurman:

449

oras ko na ito!

Punong-puno ng kumpiyansa si World Boxing Association (WBA) ‘super’ welterweight kingpin Keith Thurman na tatalunin niya ang legend na si ‘regular’ 147-pound champion Manny Pacquiao sa kanilang bugbugan ngayong araw sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

“It is my time. This is one time and still champion bout tomorrow night. Manny Pacquiao ain’t doing nothing to me baby,” pagyayabang ni undefeated American at 30-anyos na si Thurman sa sidelights ng official weigh-in kahapon kung saan kapwa tumimbang sila ni Pacquiao ng 146 ½ pounds.

Giit pa ni Thurman, bukod sa edad ni Pacquiao na 40-anyos ay bentahe rin niya ang kanyang size at reach advantage.

Angat ng tatlong pulgada si Thurman sa taas na 5’9” kumpa­ra sa 5’6” lang na si Pacquiao.

“This is a once in a lifetime opportunity to destroy a le­gend,” dada pa ni Thurman.

Wala namang masamang tinapay si Pacquiao sa mga pabibo ng makakalaban.

“For me nothing is personal,” sambit ni Pacquiao. “Our job is to fight. He has to prove something, and I have to prove something. It’s easy to say things. But it’s not so easy to do it in the ring.” (Aivan Episcope)