Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Daddy Blake lagot: Video scandal ng mga artista, model isasapelikula na

0 334

ROMMEL PLACENTE: Papasukin na ni Marc Cubales mga ka-Cuatros ang pagpo-produce ng pelikula. Sa pakikipag-usap nga nating apat sa kanya,sinabi niya na may gagawin siyang BL film na ang direktor ay si Jay Altarejos, na may working title na Finding Daddy Blake.

Si Daddy Blake sa pagkakakilala natin,ay yung nag-viral sa social media na pinagma-musturbate ang mga lalaki na nasa harapan ng camera habang pinapanood niya at babayaran niya.

Marami na siyang nabiktima na mga model at aktor na after gawin ang pinapagawa niya ay hindi naman pala totoo na babayaran niya.

Sa tanong nga kay Direk Jay na paano kung lumabas si Daddy Blake after gawin ang pelikula at magalit ito,ang sagot ng naturang direktor,”E di makikilala na natin siya,”

Hanggang ngayon nga kasi ay wala pang nakakaalam ng tunay na identity ni Daddy Blake,di ba? Kung maghahabol siya, mapapahamak din siya sa mga biktima niya.

Ayon naman kay Marc,gaya sa ibang BL series/films ay may hubaran din na mapapanood sa Finding Daddy Blake.May frontal nudity rin na mapapanood dito.Pero kakaiba raw ito sa mga BL series/films na napanood na natin.Hindi lang daw ito basta may halikan ng dalawang bidang lalaki o love story nila.May twist daw na mapapanood dito.Kaya nga raw nagbigay siya ng inputs/ideas kay Direk Jay.

MILDRED A. BACUD: Mula nang mauso ang mga viral video, isa sa mga tumatak sa netizens ay ang online story sa Twitter . Pinag-usapan ang umano’y scammer na nangakong magbibigay ng halaga sa mga guwapong kalalakihan. Kapalit nito ay ang kanilang mga intimate videos. Ang iba sa kanila ay naka-mask kaya hindi kita ang mukha pero may iba naman na walang takip ang mukha. Kapit sa patalim ang iba dahil nga sa pandemya.

Ang kuwentong ito ang pinaghugutan ng pelikulang may working title na ‘Finding Daddy Blake”

Magsisilbing producer ng pelikula ay si Marc Cubales. Magpapa-audition pala sila ng baguhang ibi-build up.

Pero nakikipag-negotiate na rin sila kay Gold Azeron para gumanap sa main character.Bilib sila sa husay nitong umarte.

SM SuperKidsDay Banner Ad

” Ilevel up natin, hindi tayo magtitipid quality talaga. Kung ano ang kailangan sa pelikula ibibigay natin,” deklara pa ng model-producer.

Nakakasa na ang shooting sa katapusan ng Pebrero kaya naman excited na ang team sa pagsisimula nito.

RODEL FERNANDO: Naging kontrobersiyal si Daddy Blake nu’ng kasagsagan ng pandemya. Diumano, Maraming male personalities ang kumagat para magkapera sa pamamaraang gagawa ng malaswang video kapalit ng malaking halaga. Sabi ng ilan ay totoo raw ito pero may nagsasabing karamihan daw sa mga modelo ay hindi raw nabayaran.

Lilitaw kaya si Daddy Blake ngayong isasapelikula na ito? Aaray ba siya kung sakali na patungkol sa kanya ang gagawing pelikula? Lalantad kaya ang mga modelo at mga celebrity na ginamit lang daw? Abangan dahil mismong ang producer ng MC Productions na si Marc Cubales ay nagsasabi na marami ang magugulat sa gagawin nilang pelikula.

Speaking of Marc, pass muna raw sa pagbibida sa pelikula. Mas gusto raw niya na ipaubaya muna sa ibang artista o baguhan ang mga proyektong gagawin ng kaniyang produksiyon. Tapos na raw siya sa aspetong ‘yun. Ang goal niya ay makapagbigay siya ng trabaho lalo na ngayong mahirap ang buhay dahil sa pandemya.

ROLDAN CASTRO: Buong ningning na sinabi ni Marc na willing niyang ipasilip ang makinis niyang puwet kung kinakailangan sa pelikulang ‘Finding Daddy Blake’

Pero graduate na raw siya sa bida-bida. Okey na sa kanya na ang maikling role para ma-experience na makatrabaho ang isang award winning director.

Mas bet niyang nasa likod ng kamera at pag-aralan ang pagdidirek ni Jay Altarejos. Pangarap din kasi niyang maging director balang araw.

Anyway, naisipang magprodyus ng pelikula ang MC Productions dahil gusto naman daw niyang mag-enjoy. Sobrang stress na raw siya sa ibang negosyo kaya gusto niya ibalanse sa mga bagay na gusto niyang gawin bilang parte ng showbiz.

Talbog!

Leave A Reply

Your email address will not be published.