Abante Tonite Interactive

Daga sa BreadTalk nagtampisaw

By
634

Bumaligtad ang sikmura ng isang netizen nang makita niya ang video ng daga kasama ng mga tinapay sa isang shop ng sosyal na Breadtalk Philippines.

Ang dismayadong netizen ay kinilalang si JC C. Perlas at ang video ay kuha diumano ng isang KC L. Lagman na kinunan nito sa San Fernando, Pampanga.

“Ang laki,” hirit ng isang kaibigan ni Perlas tungkol sa daga sa kanyang ni-repost na video.

Abante Hiring – IT dep

Dismayado si Perlas dahil imbes na intindihin kung paano maiwasang muli ang pangyayari at humingi ng paumanhin sa mga customer, tila nang-bash lang ang Breadtalk Philippines.

“As a loyal customer of the brand, I will await at the very least an official stand on what concrete steps have been taken to avert this incident in the future. You owe it to your consumers like me,” paglalahad ni Perlas.

Ang masama pa, ayon kay Perlas ay ayaw nang pag-usapan pa ng Breadtalk Philippines ang pangyayari dahil kinakausap na nila ang nag-post ng video sa Facebook. Hindi ito katanggap-tanggap sa kanya dahil hindi niya lubos maisip kung ilang beses na siyang nakakain ng tinapay ng Breadtalk na maaring naihian o nadumihan ng daga.

Nakuha ni Perlas ang video bago pa ito nawala sa Facebook at nai-share niya ito para maging aware ang ibang consumer.

Hiningi ng Abante ang panig ng Breadtalk Philippines tungkol sa insidente ngunit hindi ito sumagot sa mensahe at hindi rin ito sumasagot sa telepono.