Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dagat ng Pilipinas ginawang kubeta ng China

0 75

Nagtatapon ng mga dumi ng tao ang mga barko ng China na nakatambay sa West Philippine Sea, ayon sa isang eksperto na nakabase sa Estados Unidos.

Isinapubliko ni Liz Derr, founder at CEO ng Simularity, na kanilang nabisto base sa nakuhang satellite data imagery na ilang taon nang nagtatapon ng mga dumi ng tao ang mga barko ng China sa South China Sea at gayundin sa ilang bahagi ng West Philippine Sea.

Marami aniya ang tinatapong dumi ng tao kung kaya’t makikita ito hanggang sa kalawakan.

“It is so intense you can see it from space,” pahayag ni Derr sa isang online forum ng Stratbase ADR Institute kasabay ng ika-5 aniberaryo ng panalo ng Pilipinas sa arbitral tribunal laban sa China.

Ayon kay Deer, nagdudulot ito ng napakalaking pinsala sa dagat.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ipinakita ni Derr ang mga satellite image sa nakalipas na limang taon at sinabing ang mga dumi ng tao na nagmula sa mga barko ng China ay nagiging sanhi ng mataas na konsentrasyon ng Chlorophyll, na humahantong sa pagkasira ng mga bahura na aabutin ng dekada para makarekober.

“When the ships don’t move, the poop piles up. The damage to the reefs in the last five years is visible and dramatic,” lahad ni Derr.

Dagdag ni Derr, nasa 236 barko ang naispatan sa Union Banks o Pagkakaisa Reefs sa West Philippine Sea hanggang noong Hunyo 17.

Ani Derr, nakadagdag ito sa pagsira ng China sa mga coral reef, pangunguha ng mga endangered giant clam at pagtatayo ng artificial island sa West Philippine Sea.

Ibinabala pa niya na ang pagkasira ng mga bahura ay maaaring magresulta ng `hunger crisis’ at pagkasira ng commercial fishing sa West Philippine Sea na ikinabubuhay at pinagkukunan ng makakain ng milyong-milyogn katao sa rehiyon. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.