Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dagat sa Ozamis nagkulay dugo

0 56

Bumulaga sa mga residente sa Ozamis City ang pagiging tila kulay dugo ng dagat sa kanilang lugar, kamakalawa.

Kuwento ng mga residente sa Brgy. San Roque at Brgy. San Triufino, bukod sa mala-kulay dugo, ay malansa din ang amoy mula dito. Pangamba nila, maapektuha nang tuluyan ang kanilang hanapbuhay na pangingisda at pagtatanim ng mga sea weed dahil dito.

SM food to go Banner Ad

Paliwanag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng Misamis Occidental, kumuha na sila ng sample para alamin ang pinagmulan nito. Gayunman, anila natural umanong phenomenon ang nakita ng mga residente sa lugar dahil sa pagkakaroon ng cyanobacteria at red algal bloom o ang red tide.

Hindi rin umano ito ang unang beses na nangyari ito dahil noong 2013 nang magkulay pula rin ang karagatan. Pero napagalaman na dahil iyuon sa duming nailabas ng barkong dumadaong noon sa kanilang pier. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.