Abante Tonite Interactive

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo

161

Sa susunod na ­linggo ay may nakaamba na ­namang dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Batay sa abiso ng kompanyang Unioil, nasa P0.25 sentimos hanggang P0. 30 sentimos ang posibleng pagbaba kada litro ng kanilang diesel.

Habang sa gasolina may dagdag na P0.80 hanggang P0.90 sentimos kada litro

Magugunitang ­nitong nakaraang ­linggo ay nagpatupad ng pagtaas sa gasolina at ­rollback sa diesel ang mga ­kompanya ng langis.

Ang nakaambang na dagdag bawas sa mga produktong petrolyo ay bunsod sa paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.

Tuwing araw ng ­Martes na ­ipinapatupad ng mga kompanya ng ­langis sa bansa ang ­paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo. (Armida Rico)