Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dagdag benepisyo sa mga health worker

0 364

Halos limang buwan na ang ginagawang kabayanihan at sakripisyo ng ating mga health worker sa para maalagaan ang libo nating mga kababayan na tinamaan ng coronavirus.

Ang iba nga sa kanila nahawaan na rin ng COVID-19 at ang nakakalungkot may ilan pa sa kanila – mga doktor, nurse at iba pang mga health worker – ay pumanaw dahil sa virus.

Kung tutuusin, maituturing silang mga ‘heroes’ o mga bayani sa panahon ngayon kung saan patuloy tayong lumalaban sa pinamakatinding krisis ng bansa.

Kaya natural lang na papurihan sila sa kanilang ambag sa bayan at kung maari’y bigyan pa ng karagdagang benepisyo mula sa ating gobyerno dahil sa hindi nila matatawarang serbisyo sa ating lahat.

Buti na lang marunong an gating gobyerno. Sa ilalim na Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2, ginagarantiya doon na makakatanggap ang ating mga mahal na health worker ng karagdagang benepisyo.

Sa ilalim na measure na ito, mabibigyan sila ng life insurance, free accomidation, libreng transportation, madalas ng COVID-19 testing at P10,000 hanggang P15,000 sickness benefit.

Mismong si Senate President Vicente Sotto III ay tiniyak na naka-incorporate ang mga karagdagang benepisyo na ito sa ating mga health worker.

Buti na lang maagang inaprubahan sa Senado ang Bayanihan 2 bill kung saan naglaan ng P140 bilyong economic stimulus spending at kasama na nga dito ang ibibigay ng benepisyo sa mga health worker.

Sabagay mismong ang Pangulong Duterte na nangako din na pagkakalooban ang mga health worker na nahawaaan ng virus na ito. Hiniling niya sa Kongreso na isamas ang benepisyo para mga health worker sa ilalim ng Bayanihan 2.

Ngayon linggong ito isasagawa ang bicam conference para sa Bayanihan 2 bull para ma-settle ang ilang disagreeing provision ng dalawang bersiyon nito, partikular ang ilalaang pondo para dito.

Ang Senado, ang rekomendasyon nila ay P140 bilyon, (dahil may cap na ipinataw ang Department of Budget and Management), habang ang Kamara naman ay P162 bilyon.

Kung anuman ang mapagkasunduan sa bicam, iisa lang ang dapat tiyakin ng ating mga mababatas, na siguruhing mapapaglaanan ng pondo ang dagdag na benepisyo para sa ating mga magigiting na health workers.

Deserve naman nilang mabigyan ng dagdag benepisyo dahil sa sakripisyo at kabayanihang ginagawa nila para sa bayan sa panahon ng pandemya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.