Abante Tonite Interactive

Dagdag biyaya sa mga contractual pinirmahan ni Duterte

128

Makakatanggap ng dagdag na grasya ang mga kawani ng gobyerno na nasa kategoryang Job ­Order at Contract of Service schemes.

Ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang administrative order no. 20 o ang ­Gratuity Pay for Fiscal Year 2019.

Sa ilalim ng direktiba ng Pangulo, ­makakatanggap ng tatlong libong piso ang ­empleyadong nagtrabaho na ng apat na buwan; dalawang libong piso sa mga nakapagtrabaho na ng tatlong buwan ; P1,500 sa nakapagsilbi na ng dalawang buwan, habang isang libong piso naman sa wala pang dalawang ­buwang nagtatrabaho sa gobyerno.

Sakop din ng administrative order ng ­Pangulo ang lahat ng JOs at COS na nagtatrabaho sa ­national government agencies, State Univetsities and Colleges (SUCs), Government-Owned and Controlled Corporations(GOCCs) at Local Water Districts.

Ipapatupad ang dagdag biyaya para sa mga contrctual at nasa job order sa lalong madaling ­panahon. (Aileen Taliping)