Abante Tonite Interactive

Dagdag buwis sa yosi mahabang usapin pa – Sotto

198

Malabong maihabol sa pagtatapos ng 17th Congress ang panukalang itaas ang buwis sa sigarilyo.

Ito ang ipinahiwatig ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III kaugnay sa pagsusulong ni Senador Sherwin Gatchalian at mga health advocate na pagtibayin ang panukalang batas para itaas ang buwis sa sigaril­yo bago matapos ang 17th Congress.

“Seriously, medyo may kahirapan. Ang daming question pa doon sa committee level, and then pag-akyat dito sa atin, may mga kasama kaming kinukuwestiyon yung mga positions na being taken by the Department of Finance, not only on the issues of the sin taxes but also on the issues of the other­ bills that we have passed. So, med­yo baka mahirapan,” saad ni Sotto.

Sinabi naman ni Senate Majority leader Migz Zubiri na malamig ang ilang mambabatas sa panukalang dagdagan ng buwis ang sigarilyo.

“In the Senate, we discuss issues-based issues. I know it’s a priority, we need it for the Universal Health Care. I personally will vote for it. Pero yun nga as your MMDA of the Senate, we cannot stop our colleagues from individually asking questions. The problem is we only have 9 days,” paliwanag ni Zubiri.

Kahapon ay sumugod sa Senado ang mga health advocate at mga doktor ng pampublikong hospital na nananawagan na ipasa na ang panukala.

Pinangunahan naman ni Gatchalian­ ang exhibit hinggil sa epekto ng paninigarilyo sa katawan.

Ipinagmalaki pa ni Gatchalian ang magandang lagay ng kanyang kalusugan dahil hindi siya naninigarilyo. (Dang Samson-Garcia)