Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dagdag deboto sa Pista ng Nazareno tablado

0 61

Tinabla ng Malacañang ang kahilingan ng Simbahang Katolika na taasan ang kapasidad ng maaaring payagang makapasok sa Quiapo Church kaugnay sa kapistahan ng Nazareno.

Sinabi ni Presidential Spokesman Hary Roque na hindi magbabago ang desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases na hanggang 30% lamang ang maaaring payagan sa religious service.

Nais ng parokya ng Quiapo na itaas ng hanggang 50% ang kapasidad sa kanilang religous activity lalo na sa kapistahan ng Poong Nazareno.

Pero sinabi ni Roque na walang ipinapalabas na desisyon ang IATF maliban sa 30% capacity sa religious services.

“Hanggang 30% lamang po ang ating religious services, hindi po ‘yan nababago pa. Hanggang mabago po iyan, eh kinakailangan sundin natin iyong 30% capacity,” ani Roque.

Kinansela ang taunang traslacion sa pista ng Nazareno dahil sa nararanasang pandemya at ayaw ng gobyerno na malagay sa panganib ang mga deboto sa COVID-19 kaya wala ang nakagawiang mahabang prusisyon na inaabot ng hanggang madaling-araw.

Kaugnay nito, nagkasundo ang Philippine National Police (PNP) at Basilika Minor ng Itim na Nazareno na isara ang simbahan sakaling hindi masusunod ang physical distancing at iba pang health protocol sa loob nito. (Aileen Taliping/Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.