Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dagdag hulog sa PhilHealth, SSS wala sa timing

0 129

Bago pa sumapit ang Bagong Taon, umaray na ang mga Pinoy sa napipintong dagdag-taas sa kontribusyon sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at sa Social Security System (SSS) simula ngayong buwang ng Enero.

Noong Disyembre 29, naghayag na ang PhilHealth na magpapatupad sila ng contribution rate and adjustment sa income ceiling para sa 2021 para matiyak na magkakaroon ng sapat na pondo para sa health care benefits ng 110 milyon miyembro alinsunod sa Republic Act. No. 11223 o Universal Health Care (UHC) Law.

Batay sa naturang batas, ang kumikita ng P10,000 pababa ay may fixed rate na P350 kada buwan. Ang mga kumikita naman ng P70,000 kada buwan pataas ang magiging P2,450 na ang fixed rate.

Samantala, bago mag-Pasko ay inihayag naman ng SSS na tuloy ang pagtaas ng kontribusyon sa Enero ng taong ding ito sa kabila ng apela ng mga manggagawa at employer.

Ayon sa SSS, magiging 13 porsiyento na ang kontribusyon ng mga SSS member, mula sa kasalukuyang 12 porsiyento. Parehong employer at employee ang sasagot nito.

Ibig sabihin nito, magkakaroo ng dagdag-hulog na P30 para sa mga sumasahod ng P3,000; P100 para sa mga sumasahod ng P10,000; P200 para sa mga sumasahod ng P20,000; at P850 naman para sa mga sumasahod ng P25,000 pataas. Nakakabigla di ba?

Nakakalungkot lang na itinaon ang dagdag-kontribusyon sa PhilHealth at SSS sa panahon na lugmok pa rin ang taumbayan dulot ng masamang epekto na COVID-19 pandemic nitong nakalipas na siyam na buwan.

Bagama’t nasa mandato ng UHC law na itaas ang kontribusyon, siguro naman puwedeng ipagpaliban muna ito sa taong hangga’t hindi nakakabawi ang lahat. Paano mo pipigain ang Pilipino sa dagdag na kontribusyon sa gitna ng pandemya kung saan marami sa manggagawa ay naapektuhan din ang buwanang suweldo?

Sabihin na nating may trabaho ang ilan pero hindi ibig sabihin niyan 100 porsiyento nilang natatanggap ang kanilang suweldo. May may kakilala ako na nagsasabing nanatili sila sa trabaho pero 30 porsiyento ang cut sa monthly salary. Meron naming halos kalahati lang natatanggap na buwanang suweldo.

Ang tawag diyan ay sakripisyo. Tinanggap nila ang alok ng kanilang mga employer na bawasan muna ang suweldo maging ang kanilang mga benepisyon hangga’t hindi pa nakakabalik sa normal ang ekonomiya, ang negosyo. Para sa kanila hindi na mahalaga kung nabawasan ang suweldo. Ang mahalaga sa kanila may trabaho.

Pero kung ibabawas pa sa suweldo itong dagdag na kontribusyon sa PhilHealth at SSS, magkano na lang ang maiuuwi ng mga manggagawa. Maliit na ang natatanggap, hindi na magkasya sa sa buwanag budget ng pamilya heto’t nabawasan pa sa dagdag na kontribusyon na ito, ano na lang matitira sa kanila, sa aming manggagawa?

May solusyon naman ang pamahalaan diyan kung gugustuhin. Puwedeng ipagpaliban habang nasa pandemya tayo. Pwede sigurong mag-infuse, sabi nga ni Sen. Bong Go, ang pamahalaan sakaling kulangin ang pera ng PhilHealth at SSS.

Nitong nagdaang mga buwan, marami nang ipinagpaliba ang gobyernoi sa mga koleksiyon at pagbabayad para matulunga ang mga Pinoy na naapektuhan ng pandemya.

Sana isipinan naman ang kapakanan ng mga manggagawa dahil talagang dagdag-pahirapi itong taas-kontribusyon sa SSS lalo ngayong patuloy pa rin ang pandemya.

Buti sana kung tumaas ang suweldo ng mga manggagawa kaso hindi hindi eh. Nabawasan pa nga kung tutuusin. Kaya iisa lang ang sinasabi ng mga Pilipino sa ngayon, wala sa hulog ang hakbang na ito ng PhilHealth at SSS.

Leave A Reply

Your email address will not be published.