Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dagdag kapasidad sa simbahan di pinagbigyan

0 198

Hindi pinagbigyan ng gobyerno ang kahilingan ni Manila Bishop Broderick Pabillo na dagdagan pa ang 10% kapasidad na ibinigay sa mga simbahan sa umiiral na General Community Quarantine (GCQ).

Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra kay Pasig Bishop Mylo Hubert Claudio Vergara na naiintindihan niya ang sentimyento ng simbahan pero ang mga alkalde sa Metro Manila ang may gusto ng striktong pagpapatupad ng GCQ.

“I fully share your sentiments. we just have to continue living our lives with the covid virus as an unwanted part of it. we just have to deal with it and continue to protect ourselves. you are correct when you pointed out that we there has been no progressive movement in respect of opening our churches. we got to 50% in MGCQ areas and 10% in GCQ areas. however, NCR backslid to MECQ for two weeks upon the urgent plea of our medical workers. now NCR has de-escalated to GCQ, so dapat akyat uli sa 10% max attendance. pero the metro manila mayors wanted a strict type of GCQ; so religious worship and other mass gatherings were kept at 10 pax maximum,” bahagi ng text message ni Guevarra sa Obispo.

Nabatid ang maximun religious attendance sa labas ng National Capital Region(NCR) ay alinsunod sa standard rules na 10% sa GCQ area. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.